If You Go Away

If you go away Tomas I will kill myself. Iyan ang banta ni Marita kay Tomas kapag ipinagpatuloy pa niya ang pagpunta niya sa Iraq at magtrabaho sa base militar ng mga Kano.

Sorry Marita, nakapagpasya na ako. I have to go. Para din ito sa ating future.

Naiwan si babae. Napunta ng Iraq si lalaki. At doon ay nangulila siya ng husto sa kasintahan.

Sa Pinas naman ay pusong sugatan ang inalagaan ni Marita ng mahabang panahon.

Nagpasya si babae, tigilan na ang ganitong kabaliwan. Ni wala na silang ugnayan pa ni Tomas nang mapunta ito sa Iraq ten years ago.

Pinakasalan ni babae ang manliligaw niyang si George kahit hindi niya ito mahal.

Ngunit sadyang ipinaganak yata itong si Marita na may kakambal na kamalasan pagdating sa pag-ibig. Nambabae itong si George at siya ay iniwan. Mabuti na lang wala silang anak at di na ito naging pasanin pa ni Marita.

Nagpuntang Hongkong si Marita upang magtrabaho bilang domestic helper.

Naging maamo naman ang suwerte sa kanya kaya di kalaonan ay umuwi na siya para dito na lang sa Pilipinas siyang magnegosyo.

Panaderyang maliit ang inumpisahan ni Marita, at di nagtagal ay lumaki ito at lalo pa siyang yumaman.

Kaya nang mabalitaan ni George na yumaman na itong si Marita ay bigla siyang nag-appear at muli itong niligawan.

“Tapos na tayo George. Wala ka nang puwang pa sa puso ko. At maari ba, ito na ang huli nating paguusap.”

Iyon na nga ang huli nilang paguusap. Nagkasakit si George at di nagtagal ay binawian na siya ng buhay.

Ni ga-patak na luha ay walang tumulo sa mga mata ni Marita. Kahit anong pagmamakaawa ng mga kamag-anak ni George na dalawin man lang siya kahit sa libing nito ay di man lang napagbigyan ni Marita.

Ngunit kung kay Tomas kaya ito nangyari malulungkot kaya itong si Marita? Marahil sapagkat hanggan sa mga panahong iyon at may nararamdaman pa rin si Marita na pagmamahal sa nauna niyang pag-ibig.

Ayaw man niyang sabihin ay umaasa pa rin siya na balang araw ay bigla na lang magpapakita sa kanya itong si Tomas at muli nilang buhayin ang dati nilang pagmamahalan.

Dumating si Tomas sa di inaasahang pagkakataon. At di nagtagal ay nagkausap sila.

Luhaang yumakap si Marita kay Tomas sa pagsisisi ng kanyang naging pagkukulang sa kasintahan. Dapat di siya nagpadalus-dalus sa pagbaling sa iba ng kanyang pag-ibig.

Nakukong pala si Tomas sa kuta ng mga rebelde at terorista sa Iraq. Dinala siya sa isang bansa sa Africa kung saan ay ginawa siyang tagapagmina ng ginto na walang bayad. Nakaligtas lang siya sa pambubusabos ng mga terorista nang lusubin sila ng malaking puwersa ng mga Aprikano at Amerikano.

Dahil mahal niya si Tomas ay kinupkop niya ito at binigyan ng trabaho sa kanyang panaderya bilang isang tagapamahala.

Muling nabuhay ang pagibig at pagmamahalan nila sa isat-isa at di nagtagal nagpakasal sila. Naging mabuting ama si Tomas at ngayon ay isa na siyang lolo. Mga anak na lang nila ni Marita ang namamahala ngayon ng panaderya. At sa isang bukid na palaisdaan naman ang pinaguukolan ngayon ni Tomas ang kanyang panahon.

Matagal nang napatawad ni Tomas ang mga taong umapi sa kanya. At kay Marita naman ay panay ang kanyang pangaral sa kanilang mga anak na panatiliing matatag ang kanilang mga pamilya.

Tags: , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: