Archive for the ‘family life’ Category

Hi Mer, Do You Eat “Burned Biscuit”?

July 19, 2012

Hi Mer do you eat burned biscuit? Somebody e-mailed this to me and a got impressed of the message. I am sharing it to you hoping we can build the bridge to bring back the broken friendship we’ve nortured for years.

Peace be with you.

Burned Biscuit

When I was a kid, my Mom liked to make breakfast food for dinner every now and then. And I remember one night in particular when she had made breakfast after a long, hard day at work.

On that evening so long ago, my Mom placed a plate of eggs, sausage and extremely burned biscuits in front of my dad. I remember waiting to see if anyone noticed!!

Yet all my dad did was reach for his biscuit, smile at my Mom and ask me how my day was at school. I don’t remember what I told him that night, but I do remember watching him smear butter and jelly on that ugly burned biscuit. He ate every bite of that thing….never made a face nor uttered a word about it!

When I got up from the table that evening, I remember hearing my Mom apologize to my dad for burning the biscuits. And I’ll never forget what he said: “Honey, I love burned biscuits every now and then”

Later than night, I went to kiss Daddy good night and I asked him if he really liked his biscuits burned! He wrapped me in his arms and said, “Your Momma put in a hard day at work today and she’s real tired. And besides….a little burned biscuit never hurt anyone!”

As I’ve grown older, I’ve thought about that many times. Life is full of imperfect things and imperfect people. I’m not the best at hardly anything, and I forget birthdays and anniversaries just like everyone else but what I’ve learned over the years is that learning to accept others faults…and choosing to celebrate each other differences … is one of the most important keys to creating a healthy, growing, and lasting relationship….

And that’s my prayer for you today….that you will learn to take the the good, the bad, and the ugly parts of your life and lay them at the feet of God. Because in the end, He’s the only one who will be able to give you a relationship where a burnt biscuit isn’t a deal-breaker. We could extend this to any relationship… In fact, understanding is the base of any relationship, be it a husband and wife or parent-child or friendship!

Don’t put the key to your happiness in someone Else’s pocket …… keep it in your own.”

So, please pass me a biscuit, and yes, the burned one will do just fine!

And please pass this along to someone who has enriched your life.
Be kinder than necessary because everyone you meet is fighting some kind of battle!

“Life without God is like an unsharpened pencil…it has no point!”

Climate Change, Climax of Love

January 9, 2012

Happy New Year and Happy New Dear para sa lahat!
Kahapon ay ginunita natin ang kahalagahan ng pagtingala sa langit upang ating makamtan ang liwanag ng buhay. Kaya iyong mga tatlong Mago na siyang tumingin sa liwanag ng isang tala mula sa kalawakan ay kanilang natagpuan kung saan ang Mesias na tanging tagapagligtas natin ay ipinanganak at hinandogan ng mga dalang regalong pamasko.
Well, wala pa kasi noon ng internet at saka cellphone kaya tanging sa mga palatandaan lamang na nakikita sa kalawakan ang nagiging gabay ng bawat nilalang.
Di gaya ngayon mukhang marami sa atin na inaasa na lang sa suwerte ang kanilang kinabukasan kaya panay ang bili ng mga gamit pampabuenas.
Ay, dapat sa Diyos lang tayo dapat umasa at humiling ng gabay para lahat ng ating mga gawain sa buhay ay magtagumpay.
Ngayong araw ng Lunes ay milyon-milyon na namang deboto ng itim na Nazareno ang sasali sa isang napakahabang lakbay lansangan (na kung saan ay nakatapak lang ang iba bilang sakripisyo) upang ipakita ang kanilang debosyon sa Poong Nazareno. Pagpapasalamat daw ito sa mga biyayang kanilang natamo sa buhay at marami pang ibang rason kasama na ang mga mahahalagang kahilingan.
Pananampalataya iyan at wala ni sino man ang may karapatang manghusga sa kanilang pamamanata.
Ngunit di ba may kasabihan, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa?”
Maraming bagay nating maisasagawa ang ating pananampalataya, sa panalangin at sa pagtulong ng iba.

Climate Change

Sa mga delubyong dumating sa ating bansa kung saan ay libo-libong mga pamilya ang naapektohan, nagbabalak na ang Department of Education na gawing bahagi na ng elementary at secondary curriculum ang climate change. Well, maganda ito at unti-unti mahuhubog ang kaisipan ng ating mga kabataan na pangalagaan ang ating mga yamang kalikasan nang di tayo binabaha at natatapunan ng lupa tuwing may malakas at mahabang pag-ulan.

Ang nangyaring sakuna na dulot ng pagbaha sa mga kababayan natin sa Cagayan de Oro at Iligan City at sa ibat-ibang lugar pa sa Mindanao at Kabisayaan ay isang eye opener para sa ating lahat. Huwag na nating pinsalain pa ang ating mga bundok at kagubatan nang di malagay sa panganib ang ating buhay at ang mga minamahal natin.

Iyang pagguhong kumitil ng buhay ng mahigit na dalampong katao at sa kulang-kulang na isang daang katao rin na nasaktan sa Campostela Valley ay dapat bigyan pansin nang ating pamahalaan dahil pangalawang bises na palang may naganap na pagguho.

Pero nakakalungkot isipin na mas nanaisin pa ng iba nating mga kababayan na mamatay nang matabonan ng lupa (dahil sa walang pakundangang pagmimina) sa itaas ng bundok kay sa mamatay daw naman sila ng gutom kahit sa ligtas pang lugar silang ilipat na wala naman daw oportionidad para sa pagkukunan ng pangaraw-araw nilang ikabubuhay.

Climax Change

Maraming mga loveless na katulad ko ngayon ang naghahanap ng kanilang true love. Isa na dito si Kris Aquino. Well, open book naman ang buhay pag-ibig niya at alam naman natin na ang lahat ay nauwi lamang sa hiwalayaan. If I get Kris right, mas nanaisin pa niyan mawalan ng isang minamahal kay sa manatili siya sa piling nito na naghihirap naman ang kanyang kalooban at nasasaktan ang kanyang puso. Ayaw ni Kris na magkaroon daw siya ng sakit ng puso, kaya kaagad niyang hihiwalayan ang isang relasyon na siyang nagdudulot lamang sa kanya ng mga pighati at kabigoan.

Iba naman itong aking kaibigan na director na isang NGO, hihiwalayan na raw niya ang kanyang girlfriend ng napakatagal na panahon dahil hindi na raw siya nasisiyahan dito. Tinanong ko iyong babae kung tanggap naman niya ng maluwag sa kanyang kalooban ang pakikipaghiwalay sa isang lalaking ayaw na patali. Mabilis lang ang sagot nito, bakit pa? Kahit papaano ay naghahangad daw naman siyang ihatid sa altar sa takdang panahon.

Climax Change lang daw iyan. After all hindi na rin daw siya nasisiyahan sa performance ng kanyang playboy na boyfriend na kung minsan ay pumamalya na ang kanyang sandata.

Well goodluck to all na lang. This year, 2012, is a very exciting year to all of us. keep on going, huwag mawawalan ng pag-asa.

Habang buhay at naikikilos mo ang iyong mga kamay at mga paa, may pag-asa at tagumpay na naghihintay para sa lahat!

Maybe, Maybe May BO

November 5, 2011

She’s pretty, sexy, and a very adorable young lady; the very reason why these three young suitors never gave up wooing for her love. But for as long as they never smell that good to Merlina they will never have any chance at all.

Jose, Wally, and Paulo tried everything they could to smell good but to no avail. They take a bath three times a day but that is not even sufficient to overcome their bad smell. Somebody adviced them to consult a dermatologist but they only see a doctor when they get sick or not feeling good at all.

Are you one of those like Jose, Wally, and Paulo that have an unforgivable body odor? That’s alright since nobody has been reported dying because of bad body odor.

Mga kapatid anong klaseng manliligaw sina Jose, Wally, at Paulo?

Si Jose ay isang sundalo na sumabak na sa maraming labanan kontra sa mga bandido at rebelde sa Mindanao lalo na sa probinsiya ng Lanao, Basilan, at Sulo. Kadalasan ay hindi siya naliligo para di maamoy ng mga kalaban. Kung tutoosin ay wala siyang ipinag-iba sa isang kalabaw na amoy putik at amoy araw. Hindi lang iyan huwag na huwag kang hihinga kung nakataas ang kanyang kamay at tiyak na mahihilo ka. Pero sa kabila ng lahat ay nasabitan na ng maraming medalya ito si Jose dahil sa ipinamalas na galing at tapang sa pakikipaglaban.

Ito naman si Wally ay guwapo, matangkad, at may lahing Kastila. Isa siyang pulis na madalasa na naglalakad sa kalye at nagmamasid sa mga masasamang loob na nagtatangkang gumawa ni krimen. Decorated policeman itong si Wally dahil sa kanyang angkin na tapang, talino, at dami ng mga kasong krimen na nalutas na. Sa parteng ito ay masasabi mong dapat ay pingkakagulohan na sana siya ng mga kababaihan ngunit hindi. Laging nati-turn off ang mga babaeng kanyang pinopormahan dahil sa taglay niyang BO at nakakahilong bad breath.

Kakaiba naman itong si Paulo na isang sikyu o security guard. Mukha siyang artista, talentado, maabilidad, magiliw sa mga nakakasalamuhang tao, at higit sa lahat ay super-bait. Ano pa ang hahanapin mo, nasa kanya na lahat ang mga katangiang ng isang maginoong lalaki na puwedi mong ipagmamalaki. Ngunit hindi dahil sa maituturing na pagpapatiwakal ang ikaw ay matabi man lang sa kanya. At kung ikaw ay kanyang yakapin at mahalikan ay tila bagang katapusan na ng daigdig dahil sa taglay niyang anghit at nakakamatay na bad breath.

Kaya sa mga katangiang ito na di kanais-nais na taglay ng ating mga magigiting na ginoo ay masasabi nating sarado na ang kurtina para makamtan ang pagmamahal ng isang magandang binibini katulad ni Merlina.

Ngunit teka, bakit hanggang ngayon ay di pa nakakahanap ng binatang katapat itong si Merlina? Sa unang katangiang nasabi na natin na kanyang taglay ay dapat sana’y pinipilahan na siya ng maraming manliligaw? Bakit sina Jose, Wally, at Paulo na lang ang natitirang masugid niyang manliligaw?

What’s wrong with Merlina? Siya ba ay sobrang pihikan lang? Marahil ay oo, ngunit hindi ring malayo na may iba pang dahilan.

Hindi kaya maybe, maybe may BO din siya?

Tatapatin ko na kayo, hindi mahilig maligo si Merlina at palaging pinagpapawisan pa siya. Huwag na kayong magtaka pa kung maybe, maybe, may BO siya.

Right hindi lang sa may BO at may bad breath itong si Merlina, ang mga paa ay amoy ding patay na daga.

Pat Robertson: Divorce is Justifiable if Spouse has Alzhaimer’s Disease

September 16, 2011

This may sound shocking to Christians who are very much against divorce. But Pat Robertson said that divorcing a spouse is justifiable (morally?) on the ground your partner is afflicted with Alzaimer’s disease.

Before thousands of his “700 Club” viewers Pat Robertson said that the disease is “a kind of death.” But while this may sound cruel it will help the other party to start his life again. But be sure the spouse afflicted with Alzaimer’s disease must be provided with custodial care before proceeding with the divorce.

Wow, I expect some loud uproar from other religious quarters against the statement of this controversial and popular television evangelist and host of a religious program. It will be understandable if a pastor, priest, or a nun will suspect him of having the disease himself for coming up with such an unpopular statement. I am not sure if this is really his relgious conviction.

Para sa mga pabor sa divorce bill sa Plipinas ay may kakampi na kayo. Nasaan iyong sinasabi nila sa mga ikanakasal na for better or worse, in health and sickness, till death do us part? A, may bago na palang kahulogan ngayon ang salitang “death” o kamatayan.

Kung gayon ay idagdag na rin natin iyong phrase na… till alzaimer’s do us part.

Tingin ko bago mag-asawa ay pagusapan na rin ang tungkol sa mga pagkakasakit at kung hanggang saan ang pasensiya at pagpapakasakit ng isang asawa sa pag-aalaga ng kanyang kabiyak na may matinding karamdaman at wala nang pag-asa pang malunasan kagaya ng Alzaimer’s disease.

Well, para sa akin ang pag-aasawa ay hindi basta kanin na isusubo mo na lang at saka iluluwal kapag napaso ka. E, paano na iyan kung kailan ka pa tumanda saka mo pa lang maramdaman na napaso ka na pala?

Para sa akin ang pag=aasawa ay isang napakalaking responsibilidad habang nabubuhay ka. Dapat ang salitang sarap ay hindi lang sa romansa nararamdaman. Dapat maramdaman mo rin ang sarap habang nagaalaga ka ng may malubhang karamdamang kabiyak.

Sorry Pat Robertson, iginagalang ko ang iyong paniniwala, ngunit para sa aking there is no such thing as Alzaimer’s death.

Kaya siguro tumanda na tayong, d…dalag, ay dalaga pala. Ang dahilan, ang magasawa ay hindi biro!

Nun of Your Business

March 29, 2011

My friend Lagrimas husband Manoling is a carpenter who works in a convent. One day he bought a pack of condom for his personal use as Lagrimas told him she does not want to be pregnant again. Manoling could not do anything as the wife does not allow him to have sex with her if he does not have protection against pregnancy when she’s fertile.

At ito ang nakakatawang kuwento. Isang araw habang nagpipintura si Manoling sa mga kinakalawang nang yero sa bubungan ng kumbento ay biglang sumakit ang kanyang tiyan at nakaramdam na parang gustong niyang magbawas. Mabilis siyang bumaba gamit ang isang hagdanan mula sa bubungan. Ngunit sa pagmamadali niya ay hindi niya namalayan na nalaglag ang isang paketeng condom mula sa kanyang bulsa.

Nagulat na lang siya kinabukasan nang siya ay tawagin ni sister Petra para kausapin.

“Sa iyo ba ito,” sabay abot sa kanya ang kanyang condom.

Hindi na siya nakapagkaila pa. “Opo.”

“Bakit may dala kang condom dito, di mo ba alam na bawal iyan sa kumbento?”

“Pasensiya na po hindi ko sinasadya.”

“Dapat noon mo pa naisip iyan, bakit may paggagamitan ka ba dito?”

“Wala po.” Ang malumanay niyang sagot.

“Natural, sino ang paggagamitan mo kami?” Pinandilatan pa siya ng madre.

“Nakalimutan ko pong iwan sa bahay…”

“Manoling, nagpa-family planning ba kayo ng misis mo?”

“Opo,” namumula na ang mukha nito sa hiya.

“Ay naku Manoling magisip-isip ka, bawal iyan sa Diyos at baka sa impierno pa mapuntal ang iyong kaluluwa.”

“Pasensiya na po, hindi na po ito mauulit.” Ibinulsa ang kanyang isang paketeng condom at tatalikud na sana papunta sa kanyang kimukumpuning bubungan nang bigla siyang pinigilan ng madre.

“Curious lang ako Manoling, may sizes ba ang mga condom?”

“Opo,” hiyang-hiya siyang sumagot.

“Iyang nabili mong condom mo, anong size?”

“Extra Large po!” At mabilis na niyang iniwan ang madre.

“Sus Maria, ganon pala kalaki! Kawawang babae…”

Hindi makapaniwala. Pailing-iling pa ang Madre.

Sorrows and Devastation for the Loss of a Girl; the Tucson Massacre

January 12, 2011

It is barely two weeks after celebrating the coming of a New Year (2011), the world is shocked by the attempted assassination of Representative Gabrielle Giffords by a suspected mentally ill 22 year-old man (lone gun man) Jared Loughner. The Congresswoman survived the attack (now on stable condition and a 101 percent of chances of survival as reported) along with 13 other victims. But six others, including a Federal judge and a 9-year old girl did not.

My heart laments for this senseless killing of innocent victims particularly a 9-year old girl who was so talented with a bright promising future. Christina Taylor Green was born Christina was born on 9/11 and dreamed to be the first woman to play major league baseball (having been the granddaughter of Dallas Green a former pitcher and manager in the Major Leagues). John Green describes his daughter Christina as “a good speaker” and “could have easily seen her as a politician” This is the reason why this outgoing and intelligent student leader was on the “Saturday’s event because of her interest in government.” Roxanne Green (Christina’s mother) sees her daughter as one who has the passion to help other people and being involved.

What a lost of life! Dreams shattered because of the untimely death of this sweet, lovely and beautiful girl. I share in the sorrows of the parents, relatives and friends of Christina for losing her. Similarly I also share in the sorrows of other parents all over the world for losing their love one in a senseless killing like this. I hope there will be no more incident of this kind to happen in any part of the world. Let there be peace, love, and harmony.

On the other hand I am also perplexed on the motive of this young man Jared Loughner for killing and injuring other people if his plan was to assassinate a politician for what ever reason. Even a mere contemplation to deprive one of his life is already a crime and deplorable act of moral iniquity (how much more when the criminal plot is acted upon which include a number of innocent victims); how could such evil came into the mind of this person who like others may also have a great future? On issues of this kind we can not help but think of the role of the family, particularly the parents, the school, and the community. What is the law enforcement people and organization doing? How could the State which collect high taxes remiss on its function to protect the public and the tax payers?

Unfortunately this is not an isolated case, killing and harming people by individuals and groups of individuals is rampant all over the world. It has been said that crime does not pay for the long arms of justice will also run after the culprits and anyone who try infringed on the law. But since then, crime and lawlessness has never ceased despite modern technical and technological advancement in the society where we live. And how are we in the academe, social services, business, and government look into the roots of all these problems? There must be some sociological, economic, political, and spiritual explanations of all these dastardly acts that deprive people of their lives, property, and sense of security.

Of course the prophets of doom will always say that the world is coming to an end. The magnitude of lawlessness and enormity of crimes committed each day is just one little manifestation that the world is not getting any better and that sooner or later there will be a divine intervention to put an end to the sinfulness of mankind. Is it?

Sorry but I don’t share similar views. I still look at the role of the home and community in the upbringing of people to become productive and law abiding citizens. Unfortunately we have a growing number of population all over the world but with dwindling economic resources to most of the underdeveloped countries. Isn’t it important also now to look and appreciate the possible connection between large population size and the kind of law and order we have in the land?

Going back to Jared Loughner, the young man is reported to have been heavy pot smoker, confused, bitter, and have an attitude problem. I am sure his parents did not want him to be that way but somehow Jared Loughner grew up as someone who could not get along with other people. There is no reason to blame his parents to the tragedy, although they could be partly responsible too to what he (Jared) became as other people think about; they too are saddened and devastated to the incident involving their son and did not know why this thing had happened.

Yes this is not the only incident where a girl is senselessly killed; I pray this will be the last. I know how Christina feels the pain and sorrows of losing her. My condolences with them and the rest of those killed in that shooting incident.

Sariwang Damo Para sa Matandang Kabayo- P.Noy’s Love Life

October 15, 2010

Up to now it is not clear whether P.Noy and Shalani have broken up their two-year or less relationship. Both remained silent about it and rather not give any details nor comment. The entire nation is hanging although mounting speculations suggest they have just cooled off or simply they have already parted ways.

That’s why Shalani is rumored to have been dating now with Valenzuela mayor Sherwin Gatchalian but vehemently denied by the councilor and the local chief executive. Even P.Noy is not spared from intrigues ala showbiz. After the reported break the President had been linked to a TV reporter but denied as well by the only “bachelor” chief executive of the land. Other young and pretty women are also reported to have been dated by the bachelor president but P.Noy quickly responded by saying it’s nothing but an ordinary friendly dates. So his heart is still for Shalani? Nagtatanong lang (just asking).

Going back to the reported break-up of P.Noy and Shalani, theorized the two may have suddenly lost interest to each other because of “lack of time” (just to make the phrase more understandabale–lack of romance?). Is a 50-year old man too old already to show his affection to a young (not really, hehehe) woman at 30? With the age gap of some 20 years, is there such a thing as generation gap in a romantic affair? Is the president still capable or feed up(?) to show some intimate affection with his inamorata? By the way not only young women but even us single ladies 30 and above are still longing for a public display of affection, hehehe.

Kung talagang mahal mo ang isang dalaga kuya lalo na’t tumatanda kailangan sagana siya sa himas at pagmamahal. Kung hindi ay maghahalo ang balat sa tinatupan. Ang kuwestiyon, may ibubuga ka pa ba?

But the president is not the one who is lacking in potency. Is there truth to the saying the older the horse becomes, the more he longs for younger grass. Isn’t this the reason P.Noy has the penchant of aiming his sight to young, charming, pretty, sexy, and intelligent women? Why not, if Dolphy at the age of sixty could get a Zhasha at the age of 20 or more, can’t P.Noy do the same? The only question, is Kris and her sisters happy about it if ever?

Like some of my students, I am still bothered why a love so beautiful between and a city councilor and the president of the Philippine Republic will easily fade that way?

At lalong ayaw ko namang patulan ang ganitong comment: “There will come a time when a woman will come to her senses and realize that a bald man eating a hotdog just for a show is not really her type.”

Pero isa lang ang masasabi ko, “not everything we yearn for in our hearts will always happen the way we want it.”

Sana magkabalikan pa kayong dalawa at nababagay kayo sa isat-isa. Kung hindi, naghihintay pa rin ang puso ko Mr. President, (joke lang, hehehe).

Ang totoo doon ako sa Mayor nangangarap… mas bata at hindi pa napapanot, hehehe.

Have Fun Guys, No Week-end Assignments-DepEd

September 20, 2010

I know there is a reason for everything, even the most stupid decision a person makes is still governed by reason. Much more with the Department of Education, they must have a reason for ordering all public school teachers to be considerate on giving their students take-home assignments on Fridays to work at it on weekends.

DepEd Memorandum No. 392, signed by Education Secretary Armin Luistro last September 16, mandates all teachers to minimize the giving of homework/assignments (at least) “to a reasonable quantity to give their pupils ample time to rest and relax at home for the rest of the day.”

There is no quarrel about the good intention of the education department. At least memo 392 gives time for the entire family to stay together, relax and enjoy each other’s company. At this point in time when the Filipino family is being threatened by all forms of problems such as “parental separations, neglect and abandonment of children, child abuse in various forms, juvenile delinquency, etc. this memo-circular of the department is in order; granting the children have a good week-end full of fun with their families.

I disagree however on the grounds that school children will become less serious with their studies. And all they have in mind is fun at the expense of forgetting all about their academic obligations.

But this is not all, in the provinces as well in the cities, most of the children from poor families are given special tasks to do at home during weekend. There is no parent-children bonding. Parents are too busy working or attending to their businesses to earn a living and support their families. To many families a weekend full of fun with children and parents is just impractical at this time when everybody is affected by the on-going world economic crisis. No homework to do on week end for most children does not matter– are many of them are still asked by their parents to help them in the farm to to attend to their sources of livelihood.

What is the fear of most of the teachers anyway? Right now that children are given that much assignment to do at home during weekend–many can not still comply. And the worse, many are still slow to learn and pass their subjects. So the teacher laments, how much more if they are not allowed to bring home assignment on Fridays? But that practice/scheme does not also work in some instances with children from very poor families. The question who will help them do their assignments if parents are too busy earning a living? Giving too much assignments to school children may also work against the learning capacity. On the other hand if we deal lightly with their academic workload and tasks they also become mediocre learners. So, they will question again the quality of education we have.

As a teacher myself I know the significance of giving week-end assignments to our student; to ensure that will come back to school well prepared for the following week. Other teachers give extra-assignments to their students to help them catch up with their deficiencies (particularly slow learners) in the class. Another reason for week-end assignments is to fill-up the gaps (of instruction) attributed by lack of school facilities and learning materials. Other reason, siguro dahil na rin sa katamaran ng ibang teachers (believe it or not).

Aminin na natin na maraming kakulangan ang DepEd (budgetary constraints), ganon din ang mga magaaral dahil na rin sa kakulangan ng kita ng mga magulang. Pinagkakasya lang ang mayroon tayo. Ika nga, what you see is what you get. Kung ano ang mayroon sa mga paaralan natin, iyon din ang kakayahan nakukuha ng ating mga magaaral sa mga pampublikong paaralan. But this is not a deterrent to excel academically. If there is a will there is a way.

May punto and DepEd, may punto rin ang mga guro. Mga magulang na lang at mga magaaral ang nakakaalam kung ano ang nakakabuti sa kanila. After all sila naman ang mga tunay na apektado dito.

RED HORSE, RIDE ON ME BABY

September 7, 2010

Sa isang mall lasing na si Silvestre.

Masama ang loob, nagaway sila ng kanyang live-in partner na si Tita, dating GRO.

Kainoman niya si Carlota, isang utility worker sa amusement park kung saan ay sikyu naman siya doon.

“Inom pa nang makalimutan mo ang iyong problema.”

Sa halip na makatulong ay lalo pang ginagatongan ni Carlota ang galit ni Silvestre sa ka-live in nito.

Nakaka-apat na bote na siya ng beer na markang pulang kabayo.

Itinungga naman ni Carlota ang pangalawang bote niya ng beer.

“Lahat na lang ay ibinigay ko sa kanya. Wala nang natira pa sa akin, pati respeto ng aking mga magulang at kapatid.”

Tama naman sila, pumatol ka pa kasi sa isang pokpok”

“Iyan ang malaki kong pagkakamali… Hindi ko mapapatawad ang aking sarili sa pagpili ko sa kanya sa halip na ang aking mga magulang at kapatid.”

Lasing na rin si Carlota kaya naging matapang na siya sa pananalita.

“Mabuti’t nalaman mo na kay laki mo palang tanga at gago, ginagago ka na, iniiputan sa ulo, iniiwanan ng girlfriend mo, binabalikan mo pa siya.”

“Putang ina, anong pakialam mo sa buhay ko, kaano-ano ba kita para pagsabihan ng ganyan?”

Nagalit si Silvestre, nanlilisik ang mga mata halatang tinamaan sa sinabi ni Carlota.

“Easy ka lang, kaibigan mo ako hindi kaaway. Ikaw na nga ang pinagmamalasakitan.”

Dito na bumigay at humagulgol ng iyak si Silvestre.

“Mahal ko kasi siya, mahal na mahal…”

Yumakap siyang parang bata kay Carlota, at sa pagitan pa ng mga malalaking dibdib nito sumubsuob ang kanyang mukha.

May init sa katawan na nadama si Carlota habang nakayakap sa kanya si Silvestre at ang mukha pa nito ay nakapatong pa sa kanyang mayamang dibdib.

Marahan niyang kinalagan ang sarili sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya ni Silvestre. Hiyang-hiya siya at kanina pa sila pinagmamasdan ng mga katulad nilang customers sa foodcourt. Ngunit alang-ala kay Silvestre na lihim niyang minahal ng napakatagal nang panahon ay tiniis niya ang lahat.

“Okay lang ba kayo Miss,” ang tanong ng security officer na rumisponde pagkatapos may nag-radio sa kanya na may eksenang nangyayari sa foodcourt.

“Lasing lang ang kasama ko, iyuuwi ko na siya.”

Isinakay kaagad sa taksi si Silvestre at dinala siya sa mga magulang ng kaibigan.

Iyon na ang huling pagkikita nila ni Silvestre. Nabalitaan na lang sa mga kapatid nito na tuluyan nang iniwan ng lalaki ang kanyang girlfriend na GRO. Sa totoo lang siya ang iniwan nito dahil nagpunta sa Singapor ang babae para magtrabaho bilang bar girl doon. Nag-resign na rin sa trabaho si Silvestre at nakiusap sa mga kapatid at magulang na ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Nang umalis si Silvestre sa amusement park ay nag-resign na rin si Carlota sa kanyang trabaho para maiwasan ang tsismis at marami na ang nakakaalam ng eksenang ginawa nila ni Silvestre sa loob ng foodcourt.

Sa Canada naman pinalad makapagtrabaho si Carlota bilang caregiver. Malaki ang kanyang kinikita kaya napag-aral niya lahat ang kanyang mga kapatid.

Isa nang ganap na Engineer si Silvestre pagkaraan ng ilang taon.

Ngunit may kasabihan na kapag mahal mo pala ang isang tao ay gagawa at gagawa ka ng paraan para makita man lang o makapiling siya. Tinawagan ni Carlota ang bunsong kapatid ni Silvestre at nangumosta siya tungkol sa kaibigan. Laking tuwa niya nang malaman nitong binata pa ang engineer.

At tama ang kasabihan na kung ukol ay bubukol. Muling nagkita sina Silvestre at Carlota. Pero sa pagkakataong ito ay iba nang Carlota ang kanyang nakita, isang seksi at napakagandang babae. Mapera na kasi si Carlota kay kayang-kaya na niyang magparetoke ng mukha at katawan. Malaking halaga ang kanyang ipinuhonan para mabago ang kayang anyo. Ang dahilan ay para mapansin lamang siya ng isang lalaking lihim niyang minamahal.

Noon pa man ay napagtanto na ni Silvestre na si Carlota ang babaeng dapat niyang mahalin dahil may malasakit ito sa kanya. Hindi na nga siya nagka-girlfriend pa ng iba dahil nagbabakasakali ito na sa bandang huli ay sila naman ang magkakatuluyan.

Kaya walang oras na sinayang si Silvestre nang muli silang nagkita ni Carlota. Niligawan niya kaagad ito at hindi naman siya binigo ng babaeng may pagtingin naman sa kanya.

Maligaya nang nagsasama ang dalawa bilang mag-asawa pagkatapo ng isang simple but memorable wedding.
Ngunit sa unang gabi at honeymoon nila ay dinatnan si Carlota kaya ganon na lang ang pagkadismaya ng lalaki. Pero saglit na napawi ang kalungkotan ng lalaki nang sabihin ng kanyang misis, “Red horse, what are you waiting for? Ride on me baby!”

At iyong “ride on me baby” ay not only once but twice, and many many more. Tatlo na ang kanilang mga supling at magtatapos na si High School ang kanilang panganay.

AQUA DE PATARANTA

August 3, 2010

Masakit ang mabigo sa pag-ibig sabi nga nila pero mas masakit daw ang ikaw ay iwan ng iyong asawa at mag-isa ka na lang na mag-aaroga sa iyong mga anak.

At nagkatotoo naman ang kasabihang ito kay Lagrimas na binansagan nila ng Aqua de Pataranta sa kanilang barangay (hango naman ang pangalan sa isa sa mga characters ng tele-serye ng ABS-CBN na Aqua Bendita). Kaya walang araw na hindi siya sinasaniban ng espiritu ng alak dahil hindi na niyang makayanan pang isipin na sa itinagal-tagal ng pagsasama nilang mag-asawa na nabiyayaan pa ng tatlong anak ay basta-basta na lang siyang iniwan ng kanyang mister.

Ang dahilan nakakita si mister niya ng isang sexy, may itsura rin, pero sinkuwenta anyos na byuda. Kamamatay lang ang asawa nitong pensionado na galing pa sa America kaya sa kanyang pag-iisa ay naghanap naman kaagad ito ng isang boyfriend na magpapawi ng kanyang mga pighati at kalungkotan. At sa kasamaang palad ay si Dado naman na asawa ni Lagrimas ang kanyang napiling magpaligaya sa kanya. Kung baga sa basketball ay shoot kaagad naman itong si Dado dahil mapera na, hot pa sa kama itong byudang si Purisima.

Masaklap ng lamang at may tatlong anak siyang sinusuportahan na kanya nang kinalimutan dahil sa pagkahumaling sa byuda na siya namang nagbibigay sa kanya ng maraming pera para matustusan naman ang mga luho nito.

Kawawang Angel, Rica, at May ay madalas na silang ginugutom dahil hindi kayang buhayin sila ni Lagrimas na ang hanap-buhay lang naman ay ang pagtitinda ng mga kakanin at barbekyu. Iyan ay kung hindi siya lasing. Pero kapag lasing na, goodbye paninda na siya at back to Aqua de Pataranta na naman siya.

“Ay Aqua (Lagrimas) itigil mo na nga iyang paglalasing mo at kaawa-awa ang kalagayan ng mga anak mo.” Ang saway ng mga kapit-bahay sa kanya tuwing naglalasing siya.

“Hayaan mo sila, dapat iyang lintek na Dado na iyan ang nagpapakain sa kanila hindi ako,” ang lagi naman niyang sagot.

Mabuti na lang maawain ang mga kapit-bahay nila at sila na ang nagpapakain sa mga anak nito kapag hindi siya nakapag-uwi ng makakain nila.

Isang messenger ng isang establishment sa Pasig itong si Dado. Maporma at mayabang. Muntik pa nga siyang sinagasahan (sana natuluyan na sabi ni Lagrimas) ng isang kotseng kanyan hinarang at dumaan daw sa bakuran ng building ng kanyang boss. Mahilig sumipsip ang “lintek” daw na lalaki at ambisyoso pa. Kaso pinagtitiisan siya ni Lagrimas dahil mahal na mahal niya ang “gago” at para na rin sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

Isang community worker volunteer ang nagtiyagang kumausap kay Lagrimas. Napagpayuhan din ang huli at itinigil na niya ang pag-inom ng Aqua de Pataranta. Balik barbekyu at kakanin na naman siya. Unti-unti na rin niyang natanggap ang ginawang pagtataksil sa kanya ni Dado. Kaya sa loob lamang ang ilang buwan ay nakapag-move on kaagad si Lagrimas alang-ala sa kanyang mga anak. Kalokohan lang ang nagpapamatir sa ngayon. Kung kaya nga mo lang ang maghanap-buhay upang buhayin ang iyong mga anak ay gagawin mo upang hindi sila magutom. At ang bisyo ay dapat iwasan nang may patutunguhan ang iyong buhay.

Sa ngayon ay nagluluto na lang ng mga kakanin at nagbabarbekyu sa kanilang bahay si Lagrimas. Mayroon siyang pinagdadalhang mga karenderya sa palengke at sa mga eskuwelahan ng kanyang mga barbekyu at nilulutong kakanin. Sa susunod na taon ay papasok na sa elementarya ng kanyang panganay samantalang nasa Daycare Center pa lang nag-aaral ang dalawa niyang mga anak na balak din niyang ipasok sa kindergarteen. Hindi naman siya pinababayaan ng mga community worker volunteers na hanggang ngayon ay gumagabay pa rin sa kanya. Tumatanaw naman siya ng malaking utang na loob kay Joy na siyang nagtiyagang bumisita at umalalay sa kanya sa panahon ng kanyang krisis sa buhay.

Ano na ang nangyari kay Dado? Ayon kay Joy, naghiwalay sila ni Purisima pagkatapos mahuli nito na may kinahuhumalingan palang GRO at dancer sa club itong si Dado. Hindi lang iyang, ayon sa inpormante ni Joy nabogbog daw si Dado ng boyfriend na pulis nitong si GRO.

Sa huling paguusap nina Joy at Lagrimas, tinanong ng community worker kung may balak pa siyang makipagbalikan kay Dado alang-ala sa kanyang mga anak. Ang sabi ng huli, ibubuhos na lang daw niya ang kanyang panahon at buong buhay sa kanyang mga anak. At least sa kanya ay nakakasiguro siyang may magandang kinabukasan na naghihintay para sa kanyang mga anak. Paninindigan niyang maging single parent hanggang mapalaki at mapag-aral niya ang kanyang mga anak.