Posts Tagged ‘environmental problems’

Sangang Landas-kung saan ka man nanggaling ay doon ka rin babalik

February 7, 2010

Magkababata sila, magkalaro, and they shared almost everything. Hubad mang naliligo sa ilog ay wala silang malisya. Alam ng lalaki na may nunal sa ari magkabilang labi ng ari ang babae. Ang babae naman ay nabuo na sa kanyang isipan na ang ari pala ng lalaki ay parang ibong may talukbong at dalawang itlog na hindi pa napipisa. At huwag na huwag mong susundotin dahil itoy maninigas sa galit at parang kobrang tutuklawin ka.
Pero hindi tuklaw ng makamandag na kobra ang naranasan ni Belen nang minsan ay naglambitin siya dito habang silang dalawa ni Aquilino ay sumisisid sa ilog kundi magkapatid na sampal. Ikaw ba naman ay paglambitinan sa iyong ibon at itlog ano ang iyong mararamdaman?
Ito na ang huling pagkikita at paguusap nila. Sa matuwid na landas napadpad si Aquilino. Pinakiusapan ng kanyang tito Martin na sakristan ang kanyang bosing, si Father Damian Tomaneng na tulongan sana ng simbahan ang pag-aaral ni Aquilino para maging isang pari. Natuwa ang tomador, este si padre Tomaneng sa narinig. Kukunti na lang kasi ang gustong magpari. Kung mayroon man, ay hindi nagpapatuloy ang mga iba dahil nababaling ang kanilang atensiyon sa mga naggagandahang anak ni Eva.
Kaya ganon na lang kasusi ang pagtatanong sa kanya ni Father Tomaneng tungkol sa pagkatao ng pamangkin.
“Ala e, natitiyak ko sa iyo padre na mabuting bata itong aking pamangkin. Ulila nang lubos at ako na lang ang umaaruga sa kanya. Kaya bago po siya makitim ng sioktong ay ipadala na natin sa seminaryo para mapalapit po siya sa Diyos.”
“Alam ko Martin, pero pogi at mestisohin iyang pamangkin mo baka paglaki ay pagaagawan ng mga babae. Sa halip na maging pari ay maging padre de pamilya?”
Umiling ng 360 degrees si mang Martin.
“Hindi mangyayari iyong padre. Sanay na iyang makakita ng ari ng babae.”
Nagulat ang pari sa narinig.
“Pssst, huwag mong lakasan ang magsalita. Bakit sinabi mong siya’y sanay na makakita ng ari ng babae?,” bulong ng pari.
“Ay si padre naman kung ano-ano ang iniisip. Babae po ang kanyang kalaro araw-araw at madalas silang naliligo sa ilog na hubad. Kabisado na nila ang isat isa.”
Kabisado nga ba? Hindi na po.
Iyong inaakalang ibong nakatalukbong na may dalawang itlog na hindi pa napipisa ay hindi mo na makikilala ngayon. Tinigpas ng kultura at tradisyon ang kanyang kinamumuhiang talukbong. Ngayon ay wala na siyang ipinag-iba pa sa isang pingas na panabong. Kung noon ay isa siyang maliit lamang ng bulate, ngayon ay isa na siyang anaconda na nangangailangan ng makakapal na damo upang magtago. Nandoon pa rin ang dalawang itlog na naglalambitin, hindi pa napipisa at mabubugok na yata sa kanyang pagtira sa apat na sulok ng seminaryo.
Kung may nagbago man kay Aquilino ay gayun din kay Belen. Mas malalaki na ngayon ang kanyang mga dedeng na noon ay ga-nunal pa laman. Kinaiinggitan na ngayon ang kanilang mga laki at hubog. Hindi lang maganda sa tayo at pagkabilog, mapupula pa ang mga utong. Kung ang dating kepyas ay payat at panot, sa pagdaraan ng mga panahon ay tumambok na at napapalibutan pa ng nagkakapalang damo. Ngayon kung siya’y tawagin ay PP (paraisong panundotan).
Sa mga panalangin nagabayan si Aquilino kaya hindi niya binigo sina mang Martin at padre Tomaneng. Isa na siyang ordinadong pari ngayon at gusto nang magretiro ni father Tomaneng sa pagpapari dahil may edad na siya (“Edad, ipagtempla mo nga ako ng kape iha”) at wala na siyang gagawin pa kundi magrosaryo na lang tuwing rosary hour (“Rosario, halika pakimasahe mo nga ako sandali sa kuwarto iha”).
Mga tugtuging mahaharot naman ang siyang pumukaw sa tulog na kamalayan ni Belen sa kamundohan. Hindi na naalis pa sa kanyang isipan ang ibong pinakaiingatan ni Aquilino na kanyang pinaglambitinan noon. Ngayon hindi na siya naglalambitin pa, pagkatapos ng unang karanasan sa isang pilyong binatilyo ay pinakinabangan niya ng kanyang mga labi at dila sa pagpapaligaya ng kanyang mga kustomer na Hapon, Arabo, at mga Amerikano. Ilang siya sa mga Pilipino baka masampal pa siya uli kapag nanlambitin na naman. Una siyang naging dancer hanggang naging ganap na sex worker. Kahirapan ang sumira sa kanyang pagkatao, maging ang kanyang kalusogan.
Umuwi siya sa kanilang bayan upang doon na hintayin ang kanyang kamatayan. Ngunit bago mangyari pa ito ay kailangan niya muna ang maghugas ng kanyang mga kasalanan. Isa siyang Magdalena na naghahanap ng isang Kristo na magpapatawad sa kanyang mga pagkakasala. Kaso hindi na lang siya dumeretso kay Bro, naghanap pa ng pari.
Kay padre Aquilino siya nangumpisal, kay padre Aquilino niya ipinagtapat ang lahat ng kanyang mga saloobin. Ang kanyang lihim na pag-ibig sa dating kalaro na si Kelly. Kung hindi pa gago ito bakit siya iniwan ng dahilan lang sa kanyang paglalambitin sa ibon nito. Natatawa man sa narinig si padre Aquilino ay pinigilan ang sarili. Isang spiritual na bagay ang kanyang ginagawa kay manatili siyang tapat at seryoso sa pakikinig sa sino mang mangungumpisal.
Pagkatapos mangumpisal ni Belen ay kaagad naman niyang natamo ang kapatawaran sa pari. Iyong nga lamang ay magdasal siya ng sampong “Our Father” at sampong “Hail Mary.” Maliit lang ang task na pinagagawa sa kanya ng pari dahil kahit si padre kumpesor ay may kasalanan din sa kanya. Ngunit paano niya ito maihihingi ng tawad. Kailangan ba niyang lumuhod sa isang dating Pokpok upang humingi ng tawad sa kanyang pagkakasampal dito?
Mabuti na lang bago nalagutan ng hininga si Belen ay nakausap pa niya ito ng personal. Isinakay niya sa isang tricycle si Belen at dinala sa ilog na dati nilang pinupuntahan upang maligo at maglaro. Gustong sariwain ni Kelly kasama si Belen ang lumipas nilang kamusmosan sa Ilog Paraiso.
Pero pati ang hitsura ng ilog ngayon ay nagbago na rin. Wala nang linaw pa ang tubig nitong umaagos na gustong-gusto nilang pagbabarang maghapon noon. Ngayon ay tanging mga nagkakapalang bula ang siyang umaapaw at umaagos dito ngayon sanhi ng mga Chemical wastes na itinatapon ng isang malaking pabrika na pagaari ng mga dayuhang Intsik at Koreano.
Gayon pa man ay saglit nilang nakalimutan ang mga nakakarimarim na tanawin sa kapaligiran.
Ang tanging nakikita nila ngayon ay ang dalawang batang napakasaya at walang sawang naglalaro sa mala-paraisong ilog. Kaya nga tinawag siyang Ilog Paraiso dahil sa likas na yaman at ganda ng kapaligiran. Para sa kanila wala nang gaganda pa sa mga naririnig na awit ng mga ibon at haplos ng hangin sa mga naghahampasang sanga at dahon ng mga puno. Hindi na muling babalik pa ang kanilang paraiso ganon din ang kanilang kamusmosan.
Nakangiting iniwan ni Belen ang daigdig na ito para mauna na sa tunay na paraiso ng Diyos. Gaya ng kanyang kahilingan ay isinaboy ang mga abo ni Belen sa ilog kasama ang iba pang mga dumi.
At habang nandiyan ang mga isyu at dumi ng lipunan ay manatili sa kanyang tungkulin si Aquilino bilang isang pari upang gabayan ang mga tao nang di mawala sa tuwid na landas. Mahirap nang linisin pa ang pisikal na anyo ng daigdig, ngunit sa ispiritwal na buhay ng mga tao ay may pag-asa pa.
At bilang isang pari ay tatahakin niya ang landas na ito hanggang sa kahulihuliang hininga ng kanyang buhay. Nais niya na sa langit din sila magkikita ni Belen, at mabuhay ng walang hanggang sa glorya ng Diyos.

Bagong Taon, ano nga ba ang nagbago?

January 3, 2010

Petsa lang yata at oras ang nagbago. Parehong mukha at tao pa rin ang gumagalaw sa ating paligid malibang lang sa mga bagong silang. Nandiyan pa rin ang mga dati nang problema na ating kinakaharap sa bansang ito. Walang nagbago, mausok pa rin ang Metro-Manila sa dami ng mga sasakyan at matrapik pa. Nandiyan pa rin sa kalye ang mga naglipanang holdaper, isnatser, akyat bahay, mangagantso, mandurokot, adik, pokpok, at mga kapit-bahay na wala nang ginawa kundi magtsismis ng maghapon. Marumi pa rin ang paligid at naglipana ang mga iskwater, street children, pulubi, mga sidewalk vendors, etc. A, talagang wala na yatang katapusan ang mga problema ng bansang ito. Hanggang ngayon wala pa ring katahimikan ang Mindanao dahil sa mga rebelde at bandido. Nandiyan pa rin ang mga NPA na hanggang hindi nila nakakamit ang mga pagbabagong nais nilang makamtan ay hindi sila bababa sa mga kabundukan. Huwag din nating kalilimutan nandiyan din ang mga pulitiko at mga kurakot na opisyales ng gobierno na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit lugmok na ang bansang ito sa kahirapan. At saka dumadami pa ang ating papolasyon. Resulta, poverty and economic crisis kung saan ay may kakulangan tayo sa lahat ng bagay at may kabagalan sa pag-unlad.

A, problema. Kaya hindi umuunlad ang ating bansa dahil sa mga sari-saring problemang nararanasan ng bawat mamamayang Pilipino. Pero sabi naman ni Mer, wala daw saysay ang buhay natin kung wala tayong mga problemang dinadala. Masarap daw ang buhay kung may mga problema kang nilulutas. Oo nga naman problem ko rin siya sa aking bulsa. Kasama ko siya sa Baguio kung saan namin sinalubong ang Bagong Taon. Panay ang kuha niya ng larawan sa Burnham Park at natutuwa pa sa dami ng mga tao na nakahiga lang sa damuhan, mga naglalakad at namamasyal, mga nagsasaya, mga nagkukuwentohan, mga turistang nagbo-boating, at mga naglalako ng kung ano-ano diyan.

Pero nandiyan na iyan pagtiyagahan na natin; bansa natin ito. Wala tayong magagawa sa mga sandamakmak na problema na minana pa natin sa ating mga Nino at mga magulang. Alangan namang basta na lang tayo’y susuko. Basta may pagkakaisa at damdaming sumunod sa mga patakaran ay pasasaan ba kundi unti-unti din nating malulutas ang problema ng bansang Pilipinas. Pasasaan ba at bawa Pilipino ngayon ay uunlad din sa hinaharap. Kailan kaya?

Huwag kang mawalan ng pag-asa maghintay ka lang ang sabi ni Mer. Pero hanggang kailan? A, basta maghintay ka. Iyan ang sabi niya. E, di maghintay.

Ang pagbabago ay hindi namang overnight at kuha mo kaagad ang resulta. Mahabang panahon ang gugugulin, mahaba pa ang iyong pasensiya? Dapat lang dahil sabi nila habang buhay ay may pag-asa. May nagbago nga ba sa taong ito? Oo, naman mayroon. Kung si Mer nga ay nagbago for a day, naging galante from being kuripot. Siguro naman marami din po diyan sa ating mga kababayan ang nagbago na sa paguugali. Nawa’y sila ay Maka-Diyos, Maka-Tao, at Maka-Kalikasan.

Ang maliit mang ipinagbago ng bawat isa sa atin (of course for the better) ay malaking hakbang sa pag-unlad ng ating mahal na Bansang Pilipinas. Sana sa darating na halalan ay wala nang dayaan pa at ang sinasabi nating presidente ay hindi na po Peke. Aasahan din natin ang pagka-halal kay pangulong Arroyo bilang kinatawan ng kanilang distrito sa Pampanga. For a change di ba mayroon na tayong presidente na magiging Kongresista? Aba, pagbabago rin ito.

Mabuhay po kayong lahat at Manigong Bagong Taon. Mabuhay ang Pilipinas!