Posts Tagged ‘tears and sorrows’

Her Tears in my Heart

February 10, 2009

copy-3-of-img_5948

(One of my students posing as a model for this post)

First I cried on her shoulder but little did I know she would be crying on mine too. Our friendship has never been that perfect at all. We disagree on so many things. But one thing is sure, we will always be loyal and a faithful to each other. I felt her tears in my heart when she cried in the same manner as she was with me in my agony during the darkest moments in my life…

Malapit siya sa aking puso ko bilang isang kaibigan, daig pa niya ang tunay na kapatid. Nagkakilala kami sa timpalak kagandahan, at dito nag-ugat ang aming rivalry magmula classroom hanggang sa field. Nauna akong nagtapos, at nakakuha ng trabaho. Ngunit kahit estudyante pa siya noon ay ipinakiusap ko sa aming director na kunin siya bilang isang part-time field interviewer. Magmula noon ay naging boss na niya ako hanggang makatapos siya at nabigyan ng full-time job bilang isang research assistant. Dito naging malapit kami sa isat-isa bilang magkaibigan. Naging part-time instructors pa nga kami sa isang kolehiyo. Wala kaming lakad na hindi magkasama, binibiro pa nga kaming mag-on daw.

Ngunit binigla na lamang niya kami nang siya ay mag-resign sa kadahilanang ipagpapatuloy daw niya ang kanyang pag-aaral. Gusto niyang tapusin ang inumpisahan niyang kurso ng nursing na siya namang gusto na kanyang mom na dating OFW. Laking panghihinayang namin sa kanya, magaling siya sa trabaho at napakahusay niyang researcher. 

Ang dahilan ay sawim-palad siya sa pag-ibig. Gusto niyang makalimot, at may gusto din siyang patunayan. Iniyakan niya ng matagal ang pagkawala ni Marco. Ang kanyang kababata at unang lalaking minahal. Nagpunta ng America si Marco upang dito niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng medisina. Ngunit hindi siya nakatapos dahil may nabuntisan siyang isang Filipina nurse na US citizen at kaagad niyang pinakasalan.

“Ang sakit naman nito Seg, inaasahan ko pa naman na sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal kami gaya nang kanyang ipinangako. Mabuti pa  hindi na lang siya basta basta nangako nang wala akong inaasahan.” Damang-dama ko ang kanyang hinagpis, ang kirot ng kanyang puso habang nakayakap siya sa akin na umiiyak.

Naulit uli ang eksenang pilit kong ibinabaon sa limot. Ang pagkakaiba nga lamang, ako noon ang nakayakap kay Mer at umiiyak. “Mer, hindi kayo para sa isat-isa ni Marco. Kalimutan mo na siya. Marupok ang kanyang puso, madaling nadarang sa tukso,” ang sabi ko sa kanya ng malumanay habang hinahaplos ko ang mahaba niyang buhok. Lalo siyang humagulgul at parang batang umiiyak. Matinding awa at pagmamahal ang naramdaman ko sa kanya sa mga oras na iyon, at ako naman ay daig ko pa ang isang inang nagluwal sa kanya sa pag-aalala. Bawat luhang umaagos sa kanyang mga mata ay tumatagos sa aking puso. Namumbalik tuloy ang nakaraan, gusto ko ring umiyak ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kailangan ay isa sa amin ang matatagag sa ganitong gipit na kalagayan.

Nakarecover din si Mer at isang taon pang namalagi sa agency hanggang naisipan nitong magresign upang ipagpatuloy niya ang naumpisahan niyang kurso ng nursing. Hindi ko siya ganap na maintindihan sa kanyang disisyon, kung ito ba ay bukal sa kanyang puso o ginagawa lang niya bilang reaksiyon sa kanyang kabigoan sa pag-ibig. Nurse ang ipinagpalit sa kanya ni Marco, bakit gusto niyang maging nurse din? A, talagang mahiwaga ang damdamin ng isang tao.

Nakatapos din si Mer, isa na siyang ganap ng nurse. Tanggap na rin niya ang kanyang kabigoan. At ngayon ay panay ang patsarming niya sa mga binatang resident physician. Ang kanyang laging biro, kung hindi ka doctor ay humanap ka na lang ng iba. Marahil hindi pa ganap na nawaglig sa kanyang puso ang ala-ala ng lumipas bagamat bumalik na ang sigla ng buhay sa kanya, ang kanyang kapilyahan at higit sa lahat ang kanyang tapang o fighting spirit.

Kapwa kami bigo, kapwa naming iniyakan ang kirot ng kabigoang iyan, at kapwa naming naramdaman ang pagtagos ng luha ng bawat isa sa aming mga puso.