Sige na Panalo na si Pacman pero mas Bilib ako sa Tatag ni Cotto

Sige na panalo na si Manny Pacquiao ngunit mas panalo dito si Cotto na sinabi nilang hindi aabot ng six rounds. Sa totoo ay umabot pa nga ng 12 rounds pero tinigil ang laban sa pag-aakalang wala nang ibubuga pa si Cotto dahil puro iwas na lang ito kay Manny. Mali, dapat hinintay nilang matapos naman ang round. Ang strategy ni Cotto ay nagpapakita lamang ng paraan kung papaano mo tatalunin si Pacman at maiiwasan ang kanyang mga kamao sa napakabilis niyang kilos.

Naipakita dito ni Cotto na kaya niyang sabayan si Pacman. Kitang-kita naman kung papaano tinatakpan ni Pacman ang kanyang mukha nang di mahagip ng kamao ni Cotto. Malas nga lang ni Cotto at mali ang mga nauna niyang kilos. Dapat hindi niya sinabayan si Pacman, hit and run ang dapat niyang ginawa. Di ba sa mga huling rounds ay ni halos hindi siya matamaan ni Pacman.

Hindi ako kumbinsido sa pagkapanalo ni Pacman. Sabihin man nila na ilang bises niyang na-knock down ito. Pero bumabangon si Cotto at lumalaban. Ngayon may ideya na kung papaano tatalunin ang boxer. Alam na Mayweather ang kanyang gagawin. Kailangan niyang isang superb na conditioning at laruin si Manny, suntok takbo at yakap lang.

Sana may rematch pa sina Cotto at Pacman. Alam na ni Cotto kung papaano i-handle itong si Manny magmulang first hanggang 12th rounds. Inabot lang talaga ng malas si Cotto. Kung iiwasan mo si Manny ay manlalambot din ito sa pagod at gigil. Kitang-kita iyan sa mga huling rounds nila ni Cotto bago pa ipatigil ang 12th rounds na hindi dapat. Ano ka ninyo, lamog ang mukha ni Cotto. Tignan natin sa susunod na laban kung may rematch at patutulogin naman niya si Manny.

Hindi rin kasisiguro si Manny na magtatagal siya bilang isang champion. Maraming bata pa diyan ang nagsusulpotan at gustong makalaban din siya. Subokin kaya niyang umapak sa teritoryo ng mga middle weight boxers at nang makalaban niya sina Chavez at iyong nanalong Israeli boxer.

Pero dapat harapin din ni Manny si Marquez at nang magkaalaman na kung talagang siya na nga ang pinakamagaling na boxer. Matagal na siyang hinahamon ni Marquez. Subokan niya kaya nang bumaba sa timbang kung saan ay komportable silang pareho ni Marquez.

Sige na panalo na naman ang pambansang kamao, marami na naman ang masisiyahan niyan. Natitiyak ko marami ding nanalo na pumusta kay Cotto kahit natalo pa siya dahil hindi nakaya ni Pacman na pabagsakin ito sa 9th round. Pero ano kaya kung tinapos nila ang 12th round, baka natsambahan pa ng malakas na suntok ang sikmura ni Pacman at nang maranasan naman niyang halikan ang canvass ng boxing ring.

Congratulations Pacman at mga Pulitikong nagpuntahan diyan sa Las Vegas para panoorin ang iyong laban at sa lahat ng mga Pinoys. Sana maghaharap kayo ni Mayweather sa pinakamadaling panahon nang magkaalaman na kung ikaw nga ang pinakamatigas na boxer ngayon.

Tags: , , , ,

16 Responses to “Sige na Panalo na si Pacman pero mas Bilib ako sa Tatag ni Cotto”

  1. Mrivera Says:

    Panalo na naman si Manny. Marami ding mga hudas na kongresmen ang nagkamal ng panalong ang ipinusta ay salaping dapat ay para sa tao. Sarili daw nilang gastos ang pagpunta sa Las Vegas upang manood ng laban ng kasaysayan.

    Okey, sige. Gastos nila. Pero ibinoto ba sila upang maglimayon kung kailan nila gusto? ‘Yun ba ang ipinangako nilang paglilingkod sa kanilang mga constituents?

    Hay! Masama man ang mag-isip ng masama sa kapwa, sana ay mabalian ng pakpak ang eroplanong kanilang sasakyan pauwi sa Pinas. O, kaya ay maubusan ng gasolina habang lumilipad. O, kaya ay may makasakay silang terorista at i-hostage at isa isang ihulog sa dagat.

    Nakuuuuu! Mga butset!

  2. Mrivera Says:

    Nagtatatalon na naman siguro ang dakilang gilagid at nunal.

    Teka, balita ko nakapuslit daw ‘ata ‘yung asawang mestisong landrace puntang Las Vegas upang manood ng laban ni Pacman.

    Sabi bawal daw ang ma-excite sa bugok na Jose Pidal na ‘yun?

    Bastos din pala ang doktor niya, eh. Kakutsaba sa panloloko sa atin.

    Dapat sa mestisong baboy na ‘yun ay hulihin na at litsunin sa lava ng Bulkang Mayon.

  3. chi Says:

    Pacquiao: The best. The finest. The greatest
    “The finest athlete the boxing world has ever seen.”

    Sabi yan ng Palasyo ng Enkanta. Ano kaya ang sasabihin ng mga hinayupaks kung natalo sa Pakyo?

  4. chi Says:

    Pinoys hope for respect through Pacquiao victory – www. inquirer.net.ph

    Susmaryosep! In your dreams! Iba si Pakyaw, wala syang kinalaman sa pagrespeto ng mundo sa pinoy habang ang lider ay si Gloria Arroyo. Kung mababago man ang respeto sa atin ng mundo ay hindi dahil kay Pakyaw kundi sa pagbabagong gagawin ng mga susunod na lider..hindi sa boksing.

    Ano ba ang ito?! Idjits!

  5. Colegialagirl Says:

    Binabati ko si Segundina dahil malaki ang panalo niya laban sa isang mayamang kakilala/at bigong maliligaw (ba?) na may kamag-anak daw na pulitiko na nagpunta sa Vegas. Ay, wala akong sinabi kalimutan na ninyo ang sinabi ko, hehehe.

    Seg balato naman diyan o…

    May epekto din pala ang hula-hula sa pakikipagpusstahan. Matibay kasi ang paniniwala ni Airman (mahangin) na sa first three rounds ay bagsak na ang kuto. Sabi ni Seg hindi dahil marunong lumipad ang kuto kaya may datong na na dumapo sa palad ng babaeng laging naghahangad ng pagkatalo ng Pacman para maliksiyon daw ang mga pulitikong laging nakapaligid sa boksingerong na ngayon ay kampion na ng pito-pito hahaha.

  6. Colegialagirl Says:

    Naku tama kayo diyan tita Chi. Ito kasing mga ilan nating kababayan ay laging nakikinig sa mga sinasabi sa TV at radyo na dahil sa mga panalo ni Pacman sa boxing ay nakamit ng mga Pinoy ang pagrespeto sa kanila ng buong mundo kasama na ang Pinas. If ever siguro maliit lang na porsiyento iyan, nandiyan pa rin ang racial at economic descrimination na laging nai-experience na mga pinoy saan mang dako ng daigdig sila pumonta.

    Nakilala ang mga Pinoy boxer, iyan ang tama. Naging popular ang Pinas sa sport na boxin, iyan ang tama. Nagkamal ng limpak-limpak na salapi na napanalunan sa pustahan, iyan ang tama.

  7. Colegialagirl Says:

    Tito Magno sabi ni aling Juding (Eskaryote?) na galit sa pagsusugal ay magdilang anghel daw sana kayo.

    Hahahaha!

  8. Colegialagirl Says:

    If ever, ngayon pa lang ay may arrival honor nang naghihintay sa kanila sa Impierno, hehehe.

  9. HaydeenKoi Says:

    Sir Magno kapag may bumagsak na airline I hope it is not PAL because it is palaging late daw.

    Kapag ang mga sinasabi mong people of the congress, sus Maria huwag naman sana, will be the one to die they will be called DOM, Died Of Manny not dirty old men.

    You like my jokes, ehem.

  10. Prof. Banong Says:

    Kumosta na po kayong lahat, this is Prof. Banong. Remember? I’m back dahil miss na miss ko na kayong lahat lalo na si Seg.

  11. Mrivera Says:

    Kalokohan ‘yang respeto sa Pinoy dahil nanalo si Pacquiao.

    Bakit, lahat ba ng Pinoy, babae o lalaki ay kamukha ni Pacquiao?

    Sina goyang lang namang walang mga kahihiyan ang nagpauso niyan, eh. Lagi silang sakay sa kasikatan nitong isa na akala nila ay libre na sa isipan natin ang kanilang mga kawalanghiyaan.

    Ilang buwan na lang ang inyong kaligayahan. Pasapit ng araw ng halalan tingnan natin kung hindi kayo pulutin sa dapt ninyong kalagyan!

  12. Mrivera Says:

    Pacquiao: The best. The finest. The greatest
    “The finest athlete the boxing world has ever seen.”

    gloria macapagal arroyo: The worst. The most corrupt. An example of a rotten crop.

    The greediest fake and cheat leader the world of politics has ever produced.

    Dapat sa kanya ay isadlak sa kaharian ng poso negro!

  13. cindyrella Says:

    una sa lahat congrats pacman, bilang pilipino ay proud ako sapagkapanalo mo. pero tama ang nabasang kong ilang comments dito na ndi purkit nakamit na na ni pacman ang pagkapanalo ay nagkakaroon na din ng respeto ang ibang bansa sa bansa natin.
    Hanga din naman talag ako kay cotto, nagpustahan nga kami dyan ni SM eh, ayun nanalo ako sa hulaan kung makakailang rounds.

    at pinapakita din ni cotto na kaya niya pang bumangon, kahit pa ndi na siya makapuntos kay manny.

  14. HaydeenKoi Says:

    You are correct Cindy. Even if Cotto losing the bout with Pacman he is still panalo in the eyes of many people like Segundina. Like you she is also to win in the pustahan. Congrats.

  15. HaydeenKoi Says:

    Welcome here and over there of Colegiala girl prof. Banong. Now I have a professor who can teach to me in English.

    By the way Cindy the wife of Pakyaw is crying why kaya? Does it have connections to the rumor of his relationship to a sexy star in the person of the daughter of an actor also?

    You see Jinky can not hide her crying, masama siguro ang loob ng pobre kasi her husband is making lefturn against her. Ibig ko baka hindi magets ang english ko, nagseselos si Jinky.

  16. HaydeenKoi Says:

    Are you talking sir Magno about Malabanan? That is very mabaho and mapanghe kawawa naman si goyang. The more she gets mapanghe also right isn’t it?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: