“Gusto ko nang magpakasal, kailangan sa pinakamadaling panahon na. Ngayyyown nahhh! Kasi lahat na lang ay tumataas, lahat ay na lang ay gustong kumita, lahat na ay gustong may patong na malaki para kumita. Wala nang bumababa kundi ang mga underwears na lang, buwiset!”
“Kaso sino ang magpapakasal sa akin. Sinong lalaking sirang ulo ang gustong magpakain sa isang taong hindi naman niya kamag-anak. Kasi, kasi, ang gusto ng ibang mga lalaki ay sa sarap ka lang makakasama. Kapag sa hirap na ay ikaw na lang mag-isa. Kawawa naman ang byuti ko, pagkatapos nilang laspagin ay gayon-gayon na lang nilang iiwanan?”
“Tamaan kayo sana ng magaling kayong mga papa na nang-iisnab sa akin! Bakit wala namang kaming ipinag-iba nina Bea Alonzo at saka Christine Reyes. Kapag naging sexy star ako tignan lang ninyo kung hindi kaya magkakandarapa sa akin. Manigas kayo diyan.”
“Akala ba ninyo wala kaming mga puso at damdamin na nasasaktan? Kayo nga ang magka-regla buwan buwan at laging gumagastos ng pantapal sa mga panty ninyo upang di mabahiran ng dugo itong mga mamahaling underwear na binili pa ninyo sa mga kaopisina ninyo ng pahulogan? Kayo nga ang laging nasa ibaba at kami naman ang kumaka-horse sa inyo? Anong mararamdaman ninyo? Di ba mahirap? Kaya huwag naman ninyo kaming pagsamantalahan na mga kababaihan. Igalang at mahalin ng tunay at tapat at higit pa doon ang sarap naman na igaganti namin sa inyo.”
“Pakasalan na ninyo ako. Please, pakasalan na ninyo ako. Mga manheeed, ang lulupeeet ninyo. Malapit na naman ang mga BIR months like Siptimbir, Octobir, Novimbir, at ano na ang sunod Santa Klos, Dicimbir. Lagi na lang akong nag-iisa huhuhu, lagi na lang giniginaw grrrrr, at laging walang yumayakap sa kanyang pagtulog,uhmmmmm. Magpapasko na naman at magbabagong taon, presidente na si Noynoy. At kagaya niya ay wala pa rin akong biyenan!”
Hehehe, halos magiba ang ang hall nang tawanan at sigawan nang mag-drama at magbigay ng intermission number itong si Sister Diway sa seminar ng mga kababaihan na aking pinuntahan. Lecturer ako doon tungkol sa Family Health and Integration. Puro mga misis ang mga participants na nasa bahay lang at nag-aalaga ng kanilang mga anak. May mga mangilan-ngilan dalaga ding umattend at nagka-isip tuloy na huwag nang mag-asawa pa nang malaman nila kung gaano kasalimoot ang maging ina ng tahanan at maging ulirang mga magulang.
Wika ng isa, no marriage no responsibility. Pero kinontra din sila ng iba, no pain no glory.
Paano mo nga naman malalaman ang saya at ligaya ang maging isang ina at tanglaw ng tahanan kung hindi mo pa ito nasusubokan. Naisip tuloy ng mga ito ang mga hirap na pinagdaanan ng kanilang mga magulang sa pagaaruga sa kanila. Bukod pa doon silang mga anak ay naging mga pasaway at pasanin pa ng mga magulang.
Tanong ng isang participant, “ma’am Segundina siguro ang saya-saya ng pamilya mo, at suwerte si mister sa inyo. Ang husay-husay ninyong magpayo tungkol sa pagiging isang ulirang ina ng tahanan.”
“Maria, late ka na kasing dumating kaya nang ipakilala ako bago magsalita ay hindi mo nalaman ang aking marital status.”
“Bakit ho, byuda na kayo o single parent?”
“Hindi Maria, dalaga pa ako.”
“Sus marioseeep, ina ng awa… dalaga po pala kayo ma’am. Pasensiya na po at di ko alam.”
Well, marami din akong natutuhan sa kanila kung papaanong mag-survive sa ating sitwasyon ngayon na hirap sa buhay at wala pang makain ang mga iba.
At sana po naman sa pamamalakad ngayon ni presidente Benigno Simeon “Noynoy” Aquino lll ay may mga pagbabagong magaganap sa ating bansa at nang guminhawa po ang buhay.
Kay hirap po ang mag-asawa ngayo dahil sa economic crisis. Ngunit lalong mahirap naman ang tumanda kang dalaga na hindi man lang nayayakap ng isang macho at guwapitong katulad ni Bill Clinton.
May papa ka na may tabako ka pa, hehehehe.


