They stood their ground, it is not in the battle but in an 8-hour funeral march for the late president Cory Aquino. The armed forces they represent are proud of them; they did not fail them. In return the three military honor guards shall be given medal of honors while their lone counterpart from the PNP is now due for promotion. Congratulations gentlemen.
MAGHAPON NA NAKATAYO
Sa edad na 28, parang kuwarentay sinko anyos na itong si Drima. Nag-asawa siya sa edad na labing walo at sa sampong taon na pagsasama nila ng kanyang mister na si Lauro, edad 29, ay nakasampo na sila ng anak. Anim ang babae, at apat na lalaki.
Sa hirap ng buhay dapat ay tumigil na ngunit buntis na naman itong si Drima. “Tumigil na kayo, hindi na ninyo kaya pang magdagdag ng isang pakakainin” ang laging ipinapayo sa kanila ni aling Taling na nanay ni Drima. Oo lang naman sila ng oo ngunit maya-may nandiyan na naman sila na walang kasawa-sawa sa paggawa ng bata.
Wala ngang bisyo si Lauro ngunit kakarampot naman ang kinikita at si Drima naman ay wala nang inatupag kundi mag-alaga ng bata. Kaya nagalit na si aling Taling sa anak.
“Hindi lang naman iyang pekpek mo ang may pangangailangan a Drima. Isipin mo sampo na ang iyong anak, papaano mo ba bubuhayin silang lahat at pag-aaralin niyan?” Parang masinggan kung makabuga ng mahahanghang na salita itong kanyang nanay.
“E kasi itong si Lauro sobra ang pagkahilig na magpatuka ng manok. Maya-may umuuwi siya at nangungulit. Pampabuenas daw para ganahan siyang magpasada,” ang lagi namang ikinakatuwiran ni Drima.
Pero para kay Lauro hindi siya dapat sisihin. Sabi niya kay Drima: “Bakit ako ang sisisihin mo, tuwing aalis ako para magpasada lagi mong pinipisil-pisil itong sandata ko sabay bulong na may sabong tayo mamayang gabi. Pareho lang naman tayo na mahilig a.”
Delikado ang ganitong palitan ng salita, away na ang kasunod.
“Hoy tumigil ka diyan ha, Lauro. Kung hindi ko pa alam na maghapong nakatayo iyang panabong mo. Laging nakatingala sa langit at parang sundalong naka-attention habang kinakantan ang Pambansang Awit. Paalis ka na nga lang ay nanghihipo ka pa ng aking dede at namiminger. Magsalita ka, libogero!”
“Aba kung makapagsalita ka, di ba parang panting nakakula’t nakababad sa tubig na may sabon iyang sunflower mo? Laging basa at nakatingala sa araw. Text ka nang text at pinapauwi kung ano-ano ang dahilan mo diyan. Iyon pala gusto mo lang ng fight. Libogera ka rin!”
Galit na si Drima, gustong sampalin ang asawa pero binalaan siya ni Lauro.
“Sige sampalin mo ako at isang buwan kitang hindi sisipingan. Tignan ko lang kung hindi ka matuyoan ng pekpek.”
Sa lakas ng kanilang boses dinig ng buong Barangay ang kanilang pinaguusapan. Napapatawa na lang ang kanilang mga kapit-bahay sa mga salitang nadidinig.
Kaya nang minsang nagawi ako sa kanilang Barangay ay dinalaw ko sila at upang kausapin tungkol sa kanilang problemang mag-asawa.
Sa paguusap namin ay kapwa namang nagsabi na gusto na nilang tumigil sa pagpaparami ng bata. Ngunit papaano? Nasa mataas na level pa rin ng fertility ang babae at aktibo naman sa seks itong si lalalaki. Kaya naman “Family Planning and Responsible Parenthood” kaagad ang pumasok sa aking isipan na makakatulong sa kanilang problema. At kapwa namang sumang-ayon nang aking iminungkahi ito.
Nagpa-tubal ligation kaagad ang babae. Kaya ganon na lang ang tuwa ni mister nang malaman niyang wala na siyang pangamba pa kahit magdamag silang magsabong pa ni misis. Kaya nang puwedi na niyang sipingan si misis ay bumili siya kaagad ng dalawang kilong karne baka na pambulalo upang mapaghandaan nila ang kanilang laban.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang kanilang problema, maliit lang ang kanilang kinikita at huminto pa nga ang kanilang panganay sa pag-aaral. Naisipan kung ilapit sa isang foundation si Drima para pautangin siya ng maliit ng puhonan para magtayo ng maliit na tindahan. Dahil wala namang ginagawa sa bahay ang nanay ni Lauro, pinakiusapan naman siya ni Drima na siya muna ang mag-alaga ng kanilang iba pang anak habang ito ay nagluluto at nagtitinda ng mga kakanin sa isang paaralan na malapit sa kanilang bahay. At para mabawasan naman ang mga batang inaalagaan ni Drima ay isinama na ni Lauro ang isang magdadalawang taong gulang na anak sa kanyang pamamasada ng tricycle.
Sa ngayon iisa na lang ang inaalala ni Drima, iyong kanyang bunso na kanyang ipinagbubuntis noon nang dalawin ko sila sa kanilang tahanan. Lahat ng mga ibang anak nila ay nag-aaral na. Ang kanilang panganay na si Liza ay magtatapos na sa high school sa susunod na taon. Ngunit napaghandaan na nila ang kanyang pagaaral sa kolehiyo.
May malaking karinderya na si Drima at may katulong na rin siya ngayon sa kanilang tahanan. Apat na ang tricycle ni Lauro ngunit hindi na siya nagpapasada, ipinapa-boundary na lang niya ang mga ito. Tumutulong na lang siya sa karinderya ni Drima.
Tinanong ko kung aktibo pa rin sila sa kama, tumawa lang si Drima nadoble pa raw. Iyong nga lamang at hindi na maghapon na nakatayo ang manok ni Lauro, magdamag na lang daw.