Posts Tagged ‘confession’

The confession Booth (Lihim sa Loob ng Kumpisalan)

January 17, 2010

She confessed her sins to the priest. She said she had an affair with the Bishop. The priest only giggled. The confession lady asked him, “why?”

The priest brutally but truthfully answered her. “It could have been a poor taste.”

Lihim sa Loob ng Kumpisalan

Mabigat ang kanyang saloobin sa mga nagawang pagkakasala. Binabagabag na siya ng kanyang konsensiya. Pakiramdam niya ngayon pa lang ay sinusunog na sa Impierno ang kanyang kaluwa.

“Padre patawarin po ninyo ako at ako’y nagkasala.”

“Ipagpatuloy mo at nakikinig ako.” Ang sagot naman ng pari sa kanya.

“Binabagabag na po ako ng aking konsensiya sa mga nagawa kong pagkakasala at sa mga taong sinira ko ang kanilang buhay at kinabukasan. Ayaw ko pong mapunta sa Impierno ang aking kaluluwa sa dami at tindi ng aking mga kasalanan.”

“Lahat naman tayo ay makasalanan, ang mahalaga ay inaamin natin ang lahat ng mga ito at humihingi tayo ng tawad sa Diyos.”

Piiiiiiiiiiiiit! May kasunod pang bagay na ayaw langhapin.

“Ehm, o sige Marina sabihin mo na ang lahat ang mga pinagsisisihan mong kasalanang nagawa sa iyong buhay.”

Bahagyang nangiti si Marina ngunit hindi siya nagpapahata kay padre Juan.

“Nagawa ko pong ipalaglag recently ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan. Pero bago nangyari iyan ay nagkahiwalay muna ang lalaking minahal ko at ang kanyang asawa nang malaman ng babae ang aming relasyon. Natuwa po ako sa pagaakalang ako na ang uuwian ng aking boyfriend ngunit hindi po nangyari iyon. Sa tindi ng sama ng loob sa paghihiwalay nilang mag-asawa ay naglasing po siya at nang malasing ay nanggulo po at nakipagsuntokan sa isa ring lasing. May pumalo po sa kanyang ulo ng bote ng beer kaya nawalang malay at na-ospital. Nang lumabas po siya sa hospital akala ko ay dito na matatapos ang kanyang problema pero hindi pala. Tumalon po siya sa bintana ng kanilang Condo unit nang muli silang nag-away na mag-asawa. Sa kasamaang palad ay nasawi po ang aking mahal. Kasalanan, kasalanan ko po ang lahat! Hu!hu!Hu! (sabay habol ng hininga).”

“Kaya mo iyan, sige lang magsalita ka Marina.” Ang sabi ng pari na sa kasamaang palad ay biglang sinundan ng isang napakalakas at napakahabang poo-ootttt!

Umiiyak man si Marina ngunit hindi na niya napigilan pa ang di matawa.

“Sorry iha, hindi ko na ma-control pa. May sasabihin ka pa?”

“Wa-wala na po father.”

“Mabuti kung ganon, kasi masyado nang polluted ng mga masasamang bagay ang Kumpisalan.”

HA!HA!HA!HA! Dito na natawa nang todo si Marina.

Palabas na siya ng simbahan nang patakbong sinundan siya ni padre Juan.

“B-bakit padre?”

“Wala naman Marina, gusto ko lang sabihin sa iyo na lihim Kumpisalan din iyong narinig at naamoy mo kanina habang nangungumpisal ka sa akin.”

“Si father naman, huwag na ho ninyong alalahanin pa iyon. Ang totoo niyan ay naunahan lang ninyo ako.”

“Hindi kita maunawaan Marina (pa-drama effect pa ‘ala Jericho Rosales habang kausap niya si Gabby Concepcion).

“Lihim din po akong umuutot kanina habang ako’y nangungumpisal sa iyo.”

Hahahaha! Biglang napatawa ang pari ng napakalakas.

“Makasalanan ka talaga Marina,” dagdag pa niya.

“Pareho lang tayo father.” ang sagot naman nito sabay talikod sa pari at mabilis na pinuntahan ang nakaparadang kalesa sa tabi ng simbahan upang sumakay.

“Magdasal ka ng limang “Lord’s Prayer” at sampong “Ave Maria.” Ang pahabol naman sa kanya ng pari.

“Kayo rin father, dapat doblehin pa ninyo.”

Napakamot na lang sa ulo ang (utotin?) pari sa kanyang narinig.

My Prayers (Padre Nais Kong Mangumpisal)

March 8, 2009

Last night I received a text message from a co-teacher asking me if ever I had a love affair with a priest? The tone of her query was so disgusting. As if whe was accusing me of being so immoral for not sparing religious people in having carnal relationship with the opposite sex.

And comegedc0617 to think of it, she even had the courage to tell me that I have to go to the confession. My blood was boiling and my claws started to grow; Iwanted to become a monster and destroy that silly woman. I hope she was only joking. I remember Carmina posting a comment in another blog–pang pari ka lang (you are only good for the priests?). Am I only good for the priests Carmina?

I am not, take note Colegiala and Carmina, having an affair with a priest. If ever not just for an ordinary priest, I want the Cardinal and the Pope, hehehe. But that is impossible guys. As they say, ” you are barking on the wrong tree.” Of course I will personally confront that woman to settle this issue. It’s my prayer that there will be no pulling of hair, hehehe.

Padre Nais Kung Mangumpisal

I know mang Joeseg, Magno, and Cocoy (the Parecoys) must have heard and can still remember the song “Padre Nais Kung Mangumpisal.” It was very popular during the sixtees. Anyway it runs this way: Padre nais kung mangumpisal/Ako ay nagkasala sa mundong nilalang/Kami ay nagmahalan….

I heard this song many times noong bata pa ako, laging pinapatugtog ni auntie Mildred ang pinsan ng aking nanay na siyang nagalaga sa amin noon sa Baguio City. Sawi din kasi sa pag-ibig si auntie Mildred dahil ang lalaking kanyang pinagkatiwalaan ay mayroon na pa lang pananagutan sa buhay.

Kasalanan kasi ni Mer ito e, kung ano-ano pa ang ikinuwento tungkol sa aking nakaraan. If ever I have something to confess wala akong iban pang alam kundi iyong ako’y nagmahal ng isang seminarian, and that was long ago. Ni hindi ko nga alam kong nasaan na siya at ayaw kung alamin for my own good. Dahil kung ako ang tatanungin sasabihin ko na over the years na nagdaan, hanggang ngayon padre mahal ko pa rin siya.

Tama siguro si kuya Magno na muli kung buksan ang aking puso para sa panibagong pag-ibig. Kagabi lang ay nanood ako ng Binibining Pilipinas Beauty Pageant at nakita kung higit na magaganda at masisigla ang mga contestants at nanalo compared to my beauty. Hindi ako bumabata, malapit nang mangulubot ang aking mukha. Bago pa dumating iyon kailangan ay nanay na ako para makita pa ng aking anak kung ano ang aking itsura nang ako’y bata-bata pa.

Pero nais kung linawin, ang pag-ibig ay hindi basta-bastang tinatanggap. Ito’y dinadama at pinagaaralan. Mahirap nang matisod pa uli. Lahat naman ay malaya at may karapatang makapanligaw sa akin kahit pa si Banong.