Posts Tagged ‘social problems’

Bagong Taon, ano nga ba ang nagbago?

January 3, 2010

Petsa lang yata at oras ang nagbago. Parehong mukha at tao pa rin ang gumagalaw sa ating paligid malibang lang sa mga bagong silang. Nandiyan pa rin ang mga dati nang problema na ating kinakaharap sa bansang ito. Walang nagbago, mausok pa rin ang Metro-Manila sa dami ng mga sasakyan at matrapik pa. Nandiyan pa rin sa kalye ang mga naglipanang holdaper, isnatser, akyat bahay, mangagantso, mandurokot, adik, pokpok, at mga kapit-bahay na wala nang ginawa kundi magtsismis ng maghapon. Marumi pa rin ang paligid at naglipana ang mga iskwater, street children, pulubi, mga sidewalk vendors, etc. A, talagang wala na yatang katapusan ang mga problema ng bansang ito. Hanggang ngayon wala pa ring katahimikan ang Mindanao dahil sa mga rebelde at bandido. Nandiyan pa rin ang mga NPA na hanggang hindi nila nakakamit ang mga pagbabagong nais nilang makamtan ay hindi sila bababa sa mga kabundukan. Huwag din nating kalilimutan nandiyan din ang mga pulitiko at mga kurakot na opisyales ng gobierno na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit lugmok na ang bansang ito sa kahirapan. At saka dumadami pa ang ating papolasyon. Resulta, poverty and economic crisis kung saan ay may kakulangan tayo sa lahat ng bagay at may kabagalan sa pag-unlad.

A, problema. Kaya hindi umuunlad ang ating bansa dahil sa mga sari-saring problemang nararanasan ng bawat mamamayang Pilipino. Pero sabi naman ni Mer, wala daw saysay ang buhay natin kung wala tayong mga problemang dinadala. Masarap daw ang buhay kung may mga problema kang nilulutas. Oo nga naman problem ko rin siya sa aking bulsa. Kasama ko siya sa Baguio kung saan namin sinalubong ang Bagong Taon. Panay ang kuha niya ng larawan sa Burnham Park at natutuwa pa sa dami ng mga tao na nakahiga lang sa damuhan, mga naglalakad at namamasyal, mga nagsasaya, mga nagkukuwentohan, mga turistang nagbo-boating, at mga naglalako ng kung ano-ano diyan.

Pero nandiyan na iyan pagtiyagahan na natin; bansa natin ito. Wala tayong magagawa sa mga sandamakmak na problema na minana pa natin sa ating mga Nino at mga magulang. Alangan namang basta na lang tayo’y susuko. Basta may pagkakaisa at damdaming sumunod sa mga patakaran ay pasasaan ba kundi unti-unti din nating malulutas ang problema ng bansang Pilipinas. Pasasaan ba at bawa Pilipino ngayon ay uunlad din sa hinaharap. Kailan kaya?

Huwag kang mawalan ng pag-asa maghintay ka lang ang sabi ni Mer. Pero hanggang kailan? A, basta maghintay ka. Iyan ang sabi niya. E, di maghintay.

Ang pagbabago ay hindi namang overnight at kuha mo kaagad ang resulta. Mahabang panahon ang gugugulin, mahaba pa ang iyong pasensiya? Dapat lang dahil sabi nila habang buhay ay may pag-asa. May nagbago nga ba sa taong ito? Oo, naman mayroon. Kung si Mer nga ay nagbago for a day, naging galante from being kuripot. Siguro naman marami din po diyan sa ating mga kababayan ang nagbago na sa paguugali. Nawa’y sila ay Maka-Diyos, Maka-Tao, at Maka-Kalikasan.

Ang maliit mang ipinagbago ng bawat isa sa atin (of course for the better) ay malaking hakbang sa pag-unlad ng ating mahal na Bansang Pilipinas. Sana sa darating na halalan ay wala nang dayaan pa at ang sinasabi nating presidente ay hindi na po Peke. Aasahan din natin ang pagka-halal kay pangulong Arroyo bilang kinatawan ng kanilang distrito sa Pampanga. For a change di ba mayroon na tayong presidente na magiging Kongresista? Aba, pagbabago rin ito.

Mabuhay po kayong lahat at Manigong Bagong Taon. Mabuhay ang Pilipinas!

Baguio, the Summer Capital of the Philippines

September 1, 2009

GEDC1341After some seven hours of riding on my dad’s old SUV (from Makati City to Baguio) we finally arrived at our destination, Camp John Hay Baguio City. It’s a long week-end celebrating Ninoy’s heroism on Aug. 21, so Dad and Mom decided to enjoy their week-end at the Manor’s Hotel in Camp John Hay Baguio City.
Funny, dad and mom planned for a honeymoon but there were three of us in a room. Dad’s driver had to sleep at mom’s family home with a male caretaker so there’s no way I would stay on the same house. If ever, I would be inviting a disaster, hehehe.
But being with dad and mom in the hotel room might spoil their fun. Although mom said there’s nothing to worry about since dad could no longer deliver the “goods.” Dad on the other hand only smiled at it. He is apt to prove his worth as a warrior.
“Seg go around Baguio tomorrow and don’t come back till 10:00 P.M. Let me see how far your mom can go.”
“Oh yes Seg, give time for your dad to try his luck. After all there is no guarantee if his herbal viagra will really work,” mom said as she teased dad by throwing him her bra.
Early in the morning I left both of them at the hotel after breakfast. I don’t know what happened the whole day but when I arrived at 11:00 PM, both were already soundly asleep. I had a hunch something mysterious happened. Something they did before, more than a couple of decades ago which brought this “pretty woman” in this world. Hahaha!
Baguio is known as the summer Capital of the Philippines but during the rainy season when it’s not fun to go around; why don’t you (married couples only) make it a “procreation” capital of the Philippines instead?

ANG DATE NAMIN NI SISTER EMY
GEDC1378Panahon upang magparaya, pagbigyan ang mga magulang upang magpakaligaya hanggang kaya nila.
Tinawagan ko si Sister Emy, dati kong kasamahang community organizer na ngayon ay naka-base na sa Baguio. Matagal nang nagiimbita na “akyatin” ko raw siya sa Baguio. Kaya ang biro ko naman sa kanya, “hindi ako ang dapat mong kinukumbida kung gusto mong akyatin ka kundi mga akyat bahay gang.” Napapatawa na lang siya sa sinabi ko.
Hindi pangarap ni sister Emy ang maging madre. Pinagkakagulohan at pinagpapantasyahan siya ng mga boys noong nasa high school pa kami. Matangkad at mestisahin siya, magaling kumanta at marunong tumogtog ng piano. Isang tradhedya sa pag-ibig (mahaba-habang kuwento ito) ang nagtaboy sa kanya para pumasok sa kumbento at maging isang madre. May master’s degree siya sa Community Development at abala ngayon sa pagtuturo at community organizing.
Sa Good Sheperd Convent kami unang nagtungo para bumili ng mga pasalubong (Kailangan may pasalubong ako kay Mer dahil mangungulit ito kung wala.) Mga ilang bote ng Strawberry at Ube Jam ang aming nabinili; dinagdagan ko pa ng peanut brittle, fruit preserves, at ibat-ibang mga health products na produkto pa rin ng mga madre. Halos di mabuhat ng driver namin ang bayong pinaglagyan namin ng mga pinamili.
Pagkatapos ng Good Sheperd nagpunta naman kami ng Mines View Park para kumain ng mais at inihaw na pusit. Ang sarap-sarap niyang kumain ng mga street foods; talagang sanay sa buhay masa itong si sister Emy.
“Mababakya ang beauty mo dito Seg,” ang biro niya sa akin. “Anong mababakya di mo ba alam na kapwa tayo laking kalye at laking bukid?” ang sagot ko naman sa kanya referring to the good old days namin sa NGO.
Nangiti lang siya. “Hindi ka pa rin nagbabago. Mabuti hindi ka natulad sa mga dating kasamahan natin na ngayon ay…” Hindi na niya itinuloy pa. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Ang mga dating kasamahan ko sa trabaho na ngayon ay umangat na ang buhay dahil nagkaroon ng mga matataas na katungkolan ngunit parang sino kung umasta na ngayon. “Kawawang mga pobre,” ang nasabi ko tuloy kung saan ay kapwa kami napatawa.
Galing din sa may kayang pamilya itong si sister Emy. May mga malalawak na sakahan at palaisdahan ang kanyang mga magulang at kapatid sa kanilang probinsiya. Ngunit low profile lang siya.
Nang magsawa na kaming kumain ng kung ano-ano sa Mine’s View Park ay niyaya naman niya akong samahan siyang pasyalan ang kanyang pamangkin na Kadete sa PMA. Laking gulat ko nang sabihin niyang PMA dahil sa matagal na panahon ay ni ayaw man lang niyang mapag-usapan ang tungkol dito.
Isang PMA graduate ang naging kasintahan noon ni sister Emy na opisyal ng militar. Magpapakasal na nga lang sila nang masawi ito sa isang madugong engkuwentro ng mga rebelde at militar sa Mindanao.
“Tanggap ko na Seg,” ang bulong niya sa akin.
Pinasyalan namin ang sinasabi niyang pamangking kadete. Magalang at mabait naman siya. Binigyan niya ito ng isang prayer book at saka rosario na galing pa sa Roma. Laking pasalamat naman ng kadete.
Nang kaming dalawa na lang at nagkakape sa may SM Baguio ay muli naming napagusapan hindi matapos-tapos na suliranin ng rebelyon sa ating bansa. Pilipino laban sa Pilipino. Isang walang kakuwenta-kuwentang digmaan na siyang sumisira ng kapayapaan at pumipigil ng pag-unlad ng ating bansa.
“Buong buhay kung ipagdarasal ang kapayapaan Seg. Hanggang may digmaan hindi ako lalabas ng kumbento,” ang sabi ni sister Emy.
“Huwag naman at tatanda akong dalaga niyan,” ang biro ko sa kanya.
“Bakit naman?” Seryoso siya.
“Dahil nangako ka noong araw na mauuna ka sa akin na pakakasal.”
Bigla siyang natawa sabay sabi, “forget about it.”
Mabilis lumipas ang mga oras. Madaming isyu sa pulitika, ekonomya, at problema sa kapaligiran ang aming napagusapan ni sister Emy. Nababahala din siya tungkol sa problema ng basura, pagkasira ng kalikasan, kawalang trabaho, prostitusyon, bisyo, at pati na rin ang mga kagulohan na nababalitaan na lahat sa Baguio katulad ang pagpaslang sa isang teenager kamakailan. Ngunit kagaya ng dati, ang lahat ng problema sa bansa ayon sa kanya ay iisa lang ang katugonan: pagkakaisa ng mga tao at pananalig sa Diyos.
Malalim na ang gabi nang aming ihatid sa kumbento si sister Emy. Damang-dama ko ang kasiyahan sa kanyang puso habang kumakaway siya sa amin papasok ng kumbento.
At pagdating ko naman sa hotel ay bigla kong naala-ala ang honeymoon ng aking ama at ina kaya napapailing na napapangiti ako. Natanong ko tuloy sa aking sarili, may nangyari ba? At, nakailang rounds naman kaya sila? Hahahaha!